top of page

Tadhana

  • ladypaula
  • Dec 29, 2017
  • 1 min read

Pinagtagpo ngunit hindi itinadhana

Heto na naman tayo kay tadhana

Isisi ulit natin sa tadhana

Pero teka...

Tadhana nga ba ang may sala?

O tayo na walang ginagawa?

Magdesisyon

May kakayahan tayong magdesisyon

Binigyan tayo ng kalayaan magdesisyon

Kaya ayun

Nagdesisyon na sya

Wala na siya

Pumanaw na...

Ang ugnayan sa aming dalawa

May mas sasakit pa ba?

Sa pag-ibig na natapos pero alam mong pwede pa?

Pero dahil mahina ka

Isinuko mo nalang sa tadhana

Na baka balang araw pwede na

Baka ‘di lang talaga ngayon

Pero sa dulo, dun din pupunta ‘yon

At paano kung hindi?

Tadhana pa rin ba ang mali?


 
 
 

Comments


bottom of page