Isang Gabi
- ladypaula
- Dec 13, 2017
- 1 min read

Gabi ng pagtatagpo
Sa lugar kung saan tayo lang ang tao
Parang ikaw lang at ako ang laman ng mundo
Hindi na iniisip ang iba pang elemento
Mamahalin kita ngayong gabing ‘to
Bukas hindi na
Bukas iba na
Mamahalin kita ngayong gabing ‘to
Sa mga susunod wala na
Sa mga susunod...
Wala nang kasunod
Posible bang mahalin ang isang tao sa isang gabi lang?
Hindi kasi...
Akala ko ganoon lang kadali
Akala ko ayos lang kahit hindi sya manatili
Pero hindi
Ang mga alaala’y nanatili
Sa isang gabing ‘yon,
Masayang ginugol ang oras
Walang sinayang na oras
Lumipas ang oras
Wala nang oras
At sinubukang humingi pa ng kahit onting oras
Ngunit oras na
Tapos na
Comments