top of page

Pagbabalik

  • ladypaula azelfrangelico
  • Oct 22, 2017
  • 1 min read

Dito lang ako ‘di ako aalis.

Hihintayin ko ang paguwi mo sa piling ko.

Sa aking pagbalik,

Sa liwanag ay nasilaw.

Wala na ‘kong ibang pupuntahan kung hindi ikaw.

Sa ‘yong pagbalik,

Agad kitang natanaw

Buong buhay ko’y hangad ko lang ay ikaw

Sa aking pag balik,

Sayong sayo lang ako.

Mas gusto ko maniwala sa kasinungalingan mo kaysa sa totoo.

Sa iyong pagbalik,

Sigurado na ‘ko

Di ka na mabibigo

Mamahalin ka na ng totoo

Huwag lang tayo humantong sa dulo

At iwan muli ako

Sa aking pagbalik,

Magiging masaya tayong muli.

Ako’y hahalik

Hanggang sa huli.

Magsisimula tayo muli

Ikaw at ako ay mananatili

Sa aking pagbalik,

Asahan mong ‘di na mawawala ulit


 
 
 

Comments


bottom of page