Natuto Na
- ladypaula
- Oct 19, 2017
- 1 min read
May mga pagkakamali man

Paulit-ulit man
Nakakasawa man
Lahat naman yon ay aking pinagsisisihan
Hindi sayo nararapat masaktan
Ikaw yung tipo ng tao na dapat lang alagaan
Tipong ‘di pwedeng dapuan ng langaw o anuman
Ganoon ka kahalaga
Ganoon ka dapat pinapahalagahan
Ganoon dapat kita pahalagahan
Ganoon dapat kita pinahalagahan
Ngunit huli na,
Masyado ka nang nagalusan
Sugatan
Kaya ngayon ako na’y iiwan
Natuto ka na
Nalaman mo na ang iyong halaga
Na hindi ka dapat nasa lugar kung saan lagi ka lang masasaktan
Na dapat ‘di ka palaging luhaan
Na hindi ka dapat sa ‘kin
Na hindi mo na ‘ko dapat ibigin
Natuto na ‘ko
Nalaman ko na ang halaga mo
Na ikaw talaga ang mahal ko
Na nagsisisi na ko
Pero huli na’t iniwan mo na ko
Kakapalan ko na ang mukha ko
Sa huling pagkakataon
Hihingi ng isa pang pagkakataon
Hihintayin ko ang iyong tugon
Kahit sa ngayon,
Pahinga na lang muna tayo
Baka pagod lang tayo
Baka ‘di pa talaga ito yung dulo
Baka masusundan pa ‘to
Umaasa pa rin ako
Alam kong mahal mo pa ‘ko
Basta mahal,
Huwag lang din sana magtagal
Ang pagpapahinga natin baka mauwi rin sa hiwalayan
At makahanap ka ng ibang kaya na ‘kong lamangan
Ang hirap lang din sa alangan
Pero sino pa ba ako ngayon para ikaw ay pigilan?
Comments