top of page

Ikaw, Ako, at ang Musika

  • ladypaula
  • Aug 9, 2017
  • 1 min read

Hatinggabi

Ika'y katabi

Sa kama, nakahiga

Walang ibang ginagawa

Kundi hawak lang ang gitara

Tinutugtog ang mga nota

Habang sabay tayong kumakanta

Ikaw, ako at ang musika

Ang tanging magkakasama

Walang ibang bagay na iniisip

Walang lungkot na sumisilip

Masaya na ako

Sana ganito nalang tayo

Dito nalang tayo

— ladypaula


 
 
 

Comments


bottom of page