top of page

Love is a SACRIFICE

  • ladypaula
  • Aug 3, 2017
  • 1 min read

Noong ipinanganak ako

May butas na agad ang aking puso

Naghahanap agad ng kukumpleto nito

Ng magpupunan at bubuo

Bawal akong sumaya at malungkot ng todo

Dun lang lagi ako sa gitna

Dun lang ako sa sakto lang

Sa walang lamang

Hanggang sa dumating ka

Sa iyo nilaan ang puwang

Sa puso kong buang

Na bawal makaramdam ng sobra

Pero sa piling mo sinta

Ako'y labis na nagiging masaya

At kapag wala ka sa aking tabi

Ako'y di mapakali

Nalulungkot

Nayayamot

Kumikirot

Nasasaktan

Sa paghinga'y nahihirapan

At palagi kong titiisin lahat nang yan

Kasi mahal

Kahit yun pa ang ikakamatay ko

(Wag naman sana)

Mamamatay akong buo ang aking puso


 
 
 

Comments


bottom of page