top of page

Sa Iyong Pagdating

  • ladypaula
  • Jul 28, 2017
  • 1 min read

Noong dumating ka

Nagiba ang lahat ng bagay sa paligid ko

Pati prinsipyo ko binago mo

Ugali't pagkatao

Oo, sa mabuting paraan

Sa dahilang ako'y iyong iniingatan

Inaalagaan

Pinaniniwalaan

Pinagkakatiwalaan

Tayo'y nagmamahalan

Oo, pati rin kabaligtaran

Dinala mo rin ako sa kasamaan

Sabay din tayong paulit-ulit gumagawa ng kasalanan

Nagdudulot sa atin ng kasiyahan

Subalit panandalian lamang

Hindi, hindi ko kayang masaktan

Hindi pa ko kailanman nasaktan

Puso ko'y lubos na iningatan

Iningatan ng aking nakaraan

Nakaraang kasintahan

Na kailanma'y hanggang ngayon nariyan

Ako pari'y sinusubaybayan

Inaantabayanan

Patagong iniingatan

Nakikibalita sa aking mga kaibigan

Sana naiisip mo pa rin yang mga yan

Na may naghihintay lang sa'kin dyan

'Wag mo namang sayangin lang

Yung pagkakataong binigay ko sayo at sakanya'y pinagkaitan

Pagkakataong binigay sayo at ang kapalit siya'y iwan

Kasi kung masaktan lang ako sayo ng sobra,

Kayang-kaya ko siyang balikan

O piliing magisa na muna at magpahinga panandalian


 
 
 

Comments


bottom of page