Sugal
- ladypaula
- May 31, 2017
- 1 min read
Swerte daw ako sa sugal sabi ng nanay ko
Naniwala ako
Sumugal ako
Siguradong sigurado ako sa pagkakataya
Walang pagaalinlangan
Pero natural kabado
Pero desidido ako
Ano man maging resulta tanggap ko

Pero yun ang akala ko
Kaya ayun, natalo
Nasaktan ako
Sobra
Mahirap talaga maging kampante
Buong mawawala, di lang parte
Nilaan ko lahat eh
Pakiramdam ko walang wala na
Takot na rin akong sumugal pa
Kahit may onti pang pag-asa
Uuwi nalang akong malungkot
May halong yamot
Pero di magtatagal, susugal ako ulit
Ganoon lang ulit
Paulit-ulit
Hanggang sa manalo
Hanggang sa mabawi ko lahat ng nawala sakin
Habang buhay nang ganon
Magiging bisyo ko na umasa
Kaaadikan ko nang tumaya
Kahit di sigurado
Wala naman kasing sigurado sa mundo
Atleast di talaga ko talo
Kasi sinubukan ko
Kaya lang, Di ko naiisip na andami nang nawawala sakin
Hanggang ngayon di parin ako nananalo
Hanggang ngayon di ko pa rin basa ang takbo ng isip ng tao
Hanggang ngayon kinakapa ko pa rin ang mundo

Hanggang kailan ako matututo?
Comments