top of page

Choice

  • ladypaula
  • Jun 1, 2017
  • 1 min read

Papunta pa lang ako

Pabalik na sila

Kung kailan ko naman piniling magbago

Tsaka naman ako kinarma

Kung kailan ako nagmahal ng totoo

Tsaka ko naman sya di nadama

Paahon pa nga lang ako

Nilalaglag pa nila

Bilib na talaga ko sa mapaglarong tadhana

Mukang masyado siyang natutuwang makita ang mga taong lumuluha

Kasalanan ba talaga ng isang tao kung bakit sya nasasaktan ngayon?

Hindi ba pwedeng nagkataon lang?

Napaglaruan lang din ng tadhana?

O kaya nagkamali lang pero nagsisisi naman?

Oo, "life is a matter of choice"

Pero di ko to ginusto

Lahat ng tao umaasa sa "malay mo magwork 'to"

Choice kong umasa

Choice kong maging positibo ano man sabihing negatibo ng iba

Choice kong sumugal

Choice kong magmahal

Pero kailanman di ko choice masaktan

Pero kung yun pala ang kapalit ng umasa, maging positibo, sumugal at ng magmahal...

Choice pa rin kita

Ikaw pa rin pipiliin ko wala ng iba


 
 
 

Comments


bottom of page