Takot
- ladypaula
- Feb 16, 2017
- 1 min read

Hindi ako takot sa dilim
Hindi ako takot sa multo
Hindi ako takot sa kahit ano
Pero nung nakilala kita,
Dun ko lang naramdaman yung takot
Takot na malaman mong may nararamdaman na ko para sayo
Takot na masabihan ng masama ng ibang tao
Pero nung nangyari na yung kinakatakutan ko
Masaya akong nalaman mo
Masaya akong nakaya ko
Kasi yung nararamdaman ko
Pareho pala ng nararamdaman mo
Pero sabi ng kakilala ko
Ang mga lalaki ay magaling manigurado
Di sila magmamahal kung alam nilang walang sasalo
Kaya muli, nakaramdam ako ng takot
Takot na baka kaya mo lang sinabing gusto mo ko
Dahil may pagtingin na ako sayo
Baka ayaw mo lang ako mabigo
Pero andito na tayo
Mayroon ng "tayo"
Araw-araw mo din namang pinapakitang mali ang hinala ko
Ramdam ko namang mahal mo talaga ako
Pero ang takot ko na baka iwan mo ko
Yun nalang ang tanging iniisip ko
Na wag naman sana
Pakiusap
Ayokong maranasan yung hirap
Ayos lang na may luhang pumatak
Basta alam kong kamay mo pa rin ang hawak
Ayos lang makaramdam ng sakit
Basta alam kong akin ka kahit nakapikit
Ayos lang maging malungkot
Basta alam kong karamay kita sa puot
Ayos lang ako masaktan
Huwag mo lang talaga ako iwan
Kommentare