top of page

Oras

  • ladypaula
  • Feb 16, 2017
  • 1 min read

Ganito nalang ba 'ko

Araw-araw umaasang may magbabago

Kasabay ng oras na 'di napapagod sa kakatakbo?

Tik tok

Tik tok

Nababalutan ako ng katahimikan

Tik tok

Tik tok

Tanging naririnig ko sa aking kapaligiran

Tik tok

Tik tok

Parang oras na walang katapusan

Tik tok

Tik tok

Tik tok

Tik tok

Hay šŸ˜“

Hinihingal na ko pero ang oras wala pa ring kapaguran

...

Nang bigla kang nakilala sa di inaasahan

Mundo nati'y sabay na sana nating iwan

At gumawa ng sariling oras na ating hahawakan

Ngunit...

Tik tok

Tik tok

Di na tayo makakawala sa oras

Di natin hawak ang bukas

Basta mahal lang kita nang wagas

At parang oras wala tong katapusan

Di kita iiwan

At parang oras

Ang bilis mo tumakbo

Hinihingal na 'ko kahahabol sayo

Ayoko na, pagod na ko

Kailan kaya magiiba ikot ng mundo?

Kung pwede lang sana sa bawat tik tok ikaw ang kasama ko

Iniisip din na sana ako rin ang iniisip mo

Akala ko ay malapit nang maging tayo

Pero eto,

Balik na naman ako sa dating ako

Ganito nalang ba 'ko?

Aasa lang ulit na may magbabago?

Na may dumating tas di na tatakbo?


Ā 
Ā 
Ā 

ComentƔrios


bottom of page