On-Game
- ladypaula
- Feb 16, 2017
- 2 min read

Sa una, ang saya at puno ng sigla
Nanliligaw ka na parang sigurado ka na talaga
Kahit alam mong hindi pa ko gaanong kahanda
Ganunpaman, sinagot kitang walang pagkakaila
Hindi pa man ako handa
Naniwala akong tadhana na ang bahala basta ba'y mahal kita
Alam kong minsan hindi talaga masaya
Alam kong minsan may dadaang problema
Alam kong minsan sa pag-ibig, masakit talaga
Pero bakit yung minsan naging lagi na?
Hindi ako nasabihang saglit lang pala ako giginhawa
Wala palang araw na di magkakaproblema
Hindi ko naman alam na sobrang sakit pala
Ganito ba talaga magmahal, mukha lang talagang masaya sa una?
Sa tuwing magkasama tayo, abot langit ang ngiti ko
Yung puso ko parang gusto nang kumawala sa lakas ng pintig nito
Pakiramdam ko kumpleto na ko
Kasi katabi ko na yung buhay ko
Pero kasabay nito ang oras na patuloy na tumatakbo
Na lalo pang kumaripas ng takbo
Na kapag kasama kita ang bilis ng ikot ng mundo
Gusto kong bumalik sa oras na nasa tabi lang kita
Kasi minsan kapag hindi,
Yung ugnayan natin ay parang bulang nawawala
Nakakalimutan mong may kasintahan ka
Na kailangan ka
Na humihingi ng kahit saglit na makausap ka
Na sabik sa lambing mo sinta
Nasan ka?
Ayun, On-Game nanaman
Na sana maging In-Love ka naman
Nakakatawa lang kasi hindi babae ang pinagseselosan ko
Kundi isang laro na kinahuhumalingan mo
Sana yan nalang niligawan at "ginirlfriend" mo
Mas pinipili mo naman yan kaysa sakin na tao
Na may nararamdaman at mas may magagawa para sayo
Pero baka nga sa sobrang galing ng teknolohiya
Di ko na kayang tapatan yung saya na naidudulot nyan sayo
Nakakatakot na
Mas matakot nga talaga ako sa realidad na kaya kong saktan at patayin
Mas matakot nga talaga ako na dumating yung oras na di na ako ang iyong mamahalin
Pero sana mas matakot ka na baka bukas di ko na lahat yan mapansin
Di dahil sa tanggap ko na
Pero dahil ayoko na
Suko na
Comments