top of page

Desperado

  • ladypaula brucewayne
  • Feb 16, 2017
  • 1 min read

Desparado nanaman ako

Desperado na maging akin ka ulit. Desperado na sana, kahit isang beses, mangyari ulit yung dati.

Yung tayong dalawa lang.

Inosente sa lahat ng bagay.

Importante kasama kita, bahala na.

Desperado na hanggang ngayon, umaasa na maging tayo na lang.

Nakakainis lang dahil sa daang libong beses kong sinabi na hindi na ko ulit magiging desperado...

Heto’t babalik nanaman ako.

Kasi ganun daw talaga e. Oras ang kailangan. Dadaan ka talaga sa mga gabing gustong gusto mo siya yakapin, pero wala kang magawa.

Yung parang hiling mo na lang e kahit sulyap lang, ay makita mo siya.

Pero dahil desperado na ko, di magiging sapat lang ang makita ka

Gusto ko akin ka

Gusto ko nasa tabi kita

Gusto ko hawak kita

Pero yung gusto ko di sang-ayon sa gusto mo

Yung gusto ko taliwas sa ikot ng mundo

Yung gusto ko mapasayo

Pero sobrang labo nang maging tayo

Ayokong sumuko

Umaasa pa rin kasi talaga ako

Baka kasi bukas mahal mo na ko

Kasi alam mo,

Nagising lang din kasi ako nung napagtanto ko

Na ikaw na pala yung mahal ko

Na ikaw parin pala yung hanggang ngayon mahal ko

Kahit hindi na ako yung mahal mo

Desperado na talaga ako

Tipong pangarap ko nalang talagang maging tayo ulit

Wala sa plano kong sumaya sa iba

Wala sa plano kong maka-"move on" lang talaga

Araw-araw lang akong hihiling at aasa

Ayoko na ipabahala sa tadhana

Basta gusto ko tayo lang dalawa

Makasarili man pero mahal lang kasi talaga kita

Patawarin mo 'ko,

Bumalik ka na.


 
 
 

Comments


bottom of page