top of page

Bato

  • ladypaula
  • Feb 16, 2017
  • 1 min read

Isa akong malaking bato

Ngunit kahit gaano man ako kalaki

Kaya akong masira ng hangin, tubig, at tao

Ngunit kahit maging gaano man na ako kaliit

May silbi pa rin ako

Isa pa rin akong bato

Hindi man malaki

Hindi man matatag

Hindi man gaya ng dati

Bato pa rin ako

Bato na akala nyo walang silbi

Bato na akala niyong dyan dyan lang sa tabi

Yung akala nyong akala ko rin

Hindi pala

Ako'y bato na binabato sa masamang tao

Bato na minsan gamit sa laro

Bato na minsan palaman sa paso

Bato na para sa alahas ng tao

Bato na pinagbabawal sa mundo

At kung anu-ano pang bato

May silbi ako

At mas lumalim yung silbi ko nung dumating itong isang tao 'to

Akala ko gagamitin niya ako katulad ng paggamit ng ibang tao ayon sa mga nabanggit ko

Iba siya

Iba 'to

Kinuha niya ako mula sa dami ng batong nasa paligid niya

Anong pinagkaiba ko sa iba?

Bato lang naman kami lahat, di ba?

Pero sabi niya

Pare-pareho man kayong bato, may pagkakaiba kayo kahit isa

Naniwala ako,

Inuwi niya ako

Sinulatan niya ako,

"Mahal kita"

Dalawang salitang nakaukit sa akin

Dalawang salita na akala ko para sa 'kin

Ngunit nung natapos siya

Binigay nya ito sa kasintahan niya

Bato ako

Sanay na kong nadudurog

Pero di naman ako nadurog

Pero pakiramdam ko'y durog

Durog na durog

Sana di nalang pala ako yung napili mo

Sana ako nalang yung batong binabato sa masamang tao

O yung batong ginagamit sa laro

O yung sa alahas ng tao

O yung pinagbabawal ng mundo

Sana di nalang pala ako naging bato

Na susulatan mo lang para sa mahal mo

Kasi ako yung bato na minahal ka na

Pero sa huli, ginamit mo lang

Kasi nga ako'y bato lang


 
 
 

コメント


bottom of page