Fliptop
- Oct 25, 2016
- 2 min read

Oh, mga umiibig, umibig, nasaktan magingay
Andito tayo ngayon sa laban
Ng kasintahan at ng kaibigan
Ang nanalo sa coin toss, si kasintahan
Dalawang minuto oh
Kasintahan:
"Nanligaw ako kaya't nakuha ko sya
Pinaghirapan ko lahat ng kung ano mayroon kami ngayon
Sa lahat ng problema sabay kaming umahon
Alam ko na lahat ng galaw nya sa loob ba naman ng tatlong taon
Di ko sya kailanman sinaktan
Di ko sya kailanman iniwan
Di ko sya kailanman pinahirapan
Ako ang kasintahan
Ako ang may karapatan
Pero bakit kahit ginawa ko ang lahat
Di parin pala sapat
Hahanap parin pala sya ng iba
Kaibigan pa nya
Na akala ko'y kaibigan nya lang talaga
Aaminin ko,
Pagmamahalan namin ay unti-unting lumalabo
Ngunit di ko naman sinadyang mangyari 'to
Nakampante ako masyado
Na ang mahal nya parin ay ako."
Kaibigan:
"Kaibigan lang ako
Hanggang dun lang sana ako
Kaso bakit ganito?
Di ko inasahang hahantong kami sa puntong 'to
Ganunpaman,
Siya man ay may kasintahan
Ramdam kong ito'y pagmamahal at di niya ako pinaglalaruan
Di nya ako ginagawang panakip butas dahil may problema lang
Oo kaibigan lang
Wala akong karapatan
Pero nasa puso kong ingatan sya
Bakit kasi ikaw na may karapatan
Di mo magawa sa kaniya?
Nagkulang ka kaya ngayo'y kapiling ko siya
Masaya kami pag magkasama
Ngunit sa twing mababanggit ang pangalan mo
Tila biglang sinakluban sya ng mundo
Naiisip din kita
Alam kong masasaktan ka
Pero pre, nasasaktan din siya
Kaya andito ako para damayan sya
Sa mga panahong wala ka sa tabi nya
Pero kaibigan lang talaga ako
Baligtarin man ang mundo
Basta payo ko nalang sayo
Huwag mong pababayaan yung saglit kong iningatan
Huwag mong paiiyakin yung saglit kong pinasaya
Huwag mong iiwan yung gusto ko mang manatili sakin pero..
Ako'y kaibigan lang
Ikaw yung kasintahan."
Kasintahan:
"Kasintahan ako pero parang ako pa yung talo
Mas gusto na nga ata nya sayo
Pero lalaban ako... sana
Ngunit parang kailangan ko nang sumuko
Kailangan ko na syang isuko
Isuko sayo
Kaya mo bang ipangako?
Na ingatan at mahalin sya gaya ng mga ginawa ko
O higit pa dun, bro
Ibabalik ko yung payo mo sakin
Huwag mong pababayaan yung tatlong taon kong iningatan
Huwag mong paiiyakin yung tatlong taon kong pinasaya
Huwag mong iiwan yung gusto ko mang manatili sakin pero..
Wala nang kami at ikaw na yung andyan
Sana masaya na kayo
Sana napasaya ko kayo
Sana tama lang na gawin ko 'to
Kasi kung isang pagkakamaling palayain ko sya
Kung isang pagkakamali ka sakanya
Ang masasabi ko nalang,
"Di ba dyan kayo masaya?"
Kaibigan:
Patawarin mo ako
Hindi ko plano ang lahat nang to
Oo gago ako
Ang gago din kung sabihin kong nagmahal lang ako
Pero pre, nagmahal lang talaga ako
At ganito akong tipo ng tao
Na gusto ko nakukuha ko ang gusto ko
At masaya akong nakuha ko
Pero may takot at pangamba ako
Umabot kayo ng tatlong taon at di yun biro
At naiisip ka parin niya kahit papaano
Kahit ang kasama na nya'y ako
Di rin madali sa kaniya, ramdam ko
Mahal ka pa nya, tingin ko
Pero dahil siya'y napapasaya ko
Nawawala lang lahat
Nakakalimutan nya lahat
Pero pag dating ng gabi
Pag wala nang tao sa kaniyang tabi
Ramdam nya na yung bigat
Pero sabi mo nga, alagaan at mahalin ko sya
Sige lalamangan ko yung ginawa mo
Pag maayos na lahat at sigurado
Ngayo'y masyado pang komplikado
Kagagaling nya lang sayo
Gusto ko lang din ngayon irespeto
Yung tatlong taong may kayo
Respetong di ko naibigay nung kayo."
Comments