top of page

Bes, tulong!

  • ladypaula
  • Sep 16, 2016
  • 1 min read

Tulong!

Nalulunod ako sa dami nila

Hindi ako makahinga

Ang daming nakadagan na problema

Paano ba umahon?

Wala ba sakin ay magaahon?

Ako na lang ata mag-isa.

Nasaan na sila?

Kanina lamang ay magkakasama kami

Tinulungan ko pa nga sila

Sabi nila "Nandito lang kami lagi"

Ang sakit pala talagang umasa sa wala

Tulong!

Nasusunog ako sa mga haplos at yakap niya

Eto ba yung sinasabi nila

Ang demonyong nakamaskara

Bakit tila ako'y masaya pa?

Ito pa ba ang tama?

Nakalimutan ko na yata.

Tulong!

Binubugbog ako ng mga salita

Hindi direkta pero tumatama

Malakas at puno ng pwersa

Galit na pinapadama

Hindi personal, ngunit nagiiwan ng pasa

Tulong!

Pinapalo ako ng mga matataas na ekspektasyon nila

Pinipilit akong umangat nang wala sila

Patawad sapagkat 'di ko kaya

Kailangan ko ng patnubay

Kailangan ko ng kaagapay

Tulong!

O di bale nalang kaya

Baka ako'y abala pa

"Dito lang kami" sabi nila

Ngunit tila busog na

Sa salitang mga kinain nila

Ako na nga lang talaga magisa

Habang ako'y duguan, nakalumpasay

Pagkalipas ng ilang saglit

"Tulong!", sabi nila.

At agad agad ko silang isinalba

Pinilit kong magmukhang maayos sa kanilang mga mata

Ganiyan naman talaga

Wala sila para sakin

Ngunit mananatili akong nandito para sakanila


 
 
 

Kommentare


bottom of page