top of page

Kandila at Apoy

  • ladypaula
  • Aug 14, 2016
  • 1 min read

Isa akong kandilang walang apoy nung una

Kandilang wala pang kwenta

Kandilang di pa nabibigyang halaga

Hanggang sa biglang dumating ka

Apoy na sumindi sakin at nagbigay sigla

Nakita ko ang paligid ko nang maliwanag

Kasi nandyan ka na

San man tayo dalhin ng tadhana

Kampante ako dahil kasama kita

Mawala ka man minsan

Panatag akong babalik ka

Ngunit bakit sa kabila ng lahat ng saya at tuwa

Sa kabila ng mahal mo ko at mahal kita

Kandila parin pala ako at apoy ka

Ikaw rin pala ang tutunaw sakin at susunog saking mitsa

Kandila lang nga pala ako

Apoy ka

Ikaw lang tanging kailangan ko para magkasilbi

Ngunit hindi lang ako ang may kailangan sayo

Kandila parin pala ko na magkaka-apoy lang pag walang bumbilya't iba pa

Nilalang na nagkakasilbi lang pag wala ng iba

Ganunpaman,

Apoy ka parin, kandila ako

Ikaw parin ang kailangan ko.

Ikaw parin talaga ang mahal ko

Ikaw parin ang bubuo sa buhay ko.


 
 
 

Komentarai


bottom of page